Shoturdays
Naalala ko na naman un mga shoturdays naming walang humpay na hindi nakukuntento at natatapos sa inuman lamang. Shempre meron din simpleng kwentuhan, umaatikabong barahan at higit sa lahat, un laslas pulsong pag eemote nung mga sa unang tagay pa lang e basag na. lols. Pero kahit ganun ang takbo ng shoturdays namin eh iba iba naman ang tema at may mga hindi inaasahang nangyayari din naman. Tulad na lang ng mga surpresang bisitang bigla na lang sumusulpot kahit hindi imbitado, yung mga bigla na lang naglalahong parang bula kapag shot na nila, yung mga nagbubugbugan dahil napika sa banat nung isa at higit sa lahat, ang eviction ng sino mang sa kasawiang palad ay mapagbuhusan ng topak ng mga taong “Anti-Shoturday”. haha At hindi pa dun natatapos ang lahat, meron din namang Special Shoturday: eto yung mga sessions na bumabaha ng alak at pulutan na hindi mo na alam kung kanino galing, yung biglang dumagsa ang mga taong hayok sa alak na kahit hindi pa naghahapunan ay tumatagay na, yung mga kahit nasa kabilang village na eh considered kapitbahay pa din at eto rin yung mga oras na merong sitwasyon na kakakilala mo pa lang, kaibigan mo na. Wala rin itong pinipiling edad, ikaw man ay tatay, nanay o lola na, kung kaya pa ay welcome tumagay. Wala rin itong pinipiling kasarian, dahil isa sa mga rule ng mga Shoturday gang: NO DISCRIMINATION. Pwera na lang siguro kung ikaw ay isang “anti”, kill joy o in short isa kang agaw trip. Mas makakabuting wag ka nang umupo at makihalubilo kung ayaw mong mabara, masapak o umuwi ng luhaan.
Ang haba ng introduction ko pero eto lang naman ang gusto kong ishare (lols)… Kaya naisip ko yung mga shoturdays na napuntahan ko at yung mga shoturdays na wala ako. Hayyyy, panigurado nito pagbalik ko ay umaatikabong Shoturday marathon ang gagawin ko, para pambawi sa mga tambay na namiss ko. O sya… kaya ko lang naalala un sessions namin dahil dito, sa kasawiang palad ingles sya haha. Para sa mga laslas pulsong emoterong makakabasa nito.
The Agony of Lost Love









































Unrequited love?
October 15, 2012 at 11:22 PM
lols binalik sa kin… more like failed love for me..
October 16, 2012 at 12:07 AM
that happens a lot these days, don’t you think?
October 16, 2012 at 9:50 AM
which one? the drinking sessions or failing in love?
October 19, 2012 at 3:35 PM
Actually both, Drinking is sub sequential and will come after knowing that your heart was just ran over by the mess of falling in love.
October 20, 2012 at 12:33 AM
well yeah, but sometimes I’d rather go nature tripping than drink..
October 20, 2012 at 1:32 AM
That could work also
October 20, 2012 at 9:04 AM