My Daily Wuht?! 121710

Simbang Gabi day 2! wohooo! haha sana i-grant na nya ang prayer ko.. Sa bagay na grant na nya un isa. Sabi ko before sana mabawasan yung pagiging ill-tempered at highblood ko. Akalain mo un?! haha… tapos blessed pa kami dahil healthy naman kaming lahat at safe palagi so isa na lang ang kulang, and I’ll patiently wait for it dahil I know he knows what’s best for me.

Today is also USTE’s Paskuhan Day.. Yesss! This time pupunta na tlga ako. I missed last year’s Paskuhan dahil sa kasawiang palad yung gusto ko at niyaya ko na sana kasamang pumunta dun eh hindi available so di na lang ako pumunta kasi hindi rin ako mag eenjoy. Plus makikita ko na ulit ang USTE! sa wakas! haha I miss my school, yung environment, na dati kahit gumulong gulong ako sa damuhan eh oks lng. I miss the heat sa pavements na bako bako at yung mga trees na walang ginawa kundi magkalat. haha. Sayang lang hindi kami lahat makakapunta dahil yung iba nasa ibang bansa na, but its okay. I’m hoping to see my old profs and classmates there. At malamang, piktyuran galore na naman ito! Shempre, ganda ng lights sa Uste ngayon, at nakakamiss na yun! I remember nung senior na ko umuuwi ako gabi na just to see the lights at night, nakakarelax at nakakawala ng pressure. Sabay hihigop ka ng mainit na kape na binili dun sa Mini stop o McDonald’s. haha. Those were the days. Ang simple lng ng buhay ko nun oh: gising, pasok, kain, lakwatsa, uwi. Pinakapinoblema ko lang ata nun eh kung pano ko papasa at pano ko idedefend ang thesis ko. haha. God I miss being a student. No worries like: I have to work, Budget! budget! budget!, Finish before the deadline, meetings and sorts of stressful stuffs. Sa bagay, we all need to leave those behind, for us to grow up and learn more.

Tanong dun, natuto ba ko? Of course! siguro kung hindi napariwara na ko. I really did try my best nung time na un and nag pay off naman sya at nakatapos naman  ako. Sa ibang aspects lang ata ako mejo hirap matuto. Oh well, I’m not perfect. It’s okay na sumablay. Kahit ako sablay minsan eh, pero does it matter? well to those who have a lot to say kasi walang pagmamahal dun sa tao na yun, it does matter… pero kung mahal ka or kahit pano may concern sa’yo yung tao, it wont matter, kahit ano pa yan. Ganun naman dapat eh, that’s part of being human. We’re not perfect so dapat tanggapin natin un. Tanggap naman nila kahit may mga flaws at imperfections ako. Kasi that’s me. Thank God.Ü


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s