My Daily Wuht?! 011211

Nabuhay ako ulit. haha. After 3 days na pagkakahimlay sa aking kama na hinihigop ako kada tatayo ako. Ayun Success!

Ang hirap pala magdiet. Yung tipong pili lang talaga ang ipapakain sa iyo. (salamat sa Diyos hindi ako ganun kataba) Yun bang “oh bawal yang mashadong mamantika!, Wag yan maasim yan! at walang kamatayang: Oops! bawal ang hilaw.” Hayyyss. E ang sarap sarap pa naman kumain! Ako yung tipong hindi mapili sa pagkain, pwera lang siguro sa escabeche at sweet and sour na pinagsawaan ko na siguro kaya kada yun ang ulam e masuka suka ako. haha

Sa sobrang di ko makain yung gusto ko kada tuloy nanonood ako ng Food channel eh tinotorture ko yung sarili ko na natatakam sa niluluto nila pero pinanonood ko pa din. Minsan nga nagtataka yung nanay at tatay ko pag nagluluto ako kahit ba pritong tilapya lang yan at talong e nakaayos at may garnish pa sa plato. haha. Alam ko yung utol kong si Carlo nakakarelate dahil mahilig din sya magluto, at sya din ganun maghain ng pagkain pag sya ang nagluluto. Para kasing ang sarap kainin pag gnun dba. Pero keme kahit ano pang ayos nyan pagkain pa din yan go pa din haha. Pero sa kasawiang palad, ngayon ay “fruit diet” lang daw ako.. at piling gulay lamang. O dba, torture kung torture… at take note ang mas matindi, “Water Therapy”. Ngayon alam ko na ang feeling ng pasyente sa ospital. Maswerte pa nga sila minsan tatanungin ng mga kamag-anak, “oh gusto mong cake? o kaya naman may dala kaming ice cream o coke.” Pero cge, para naman sa ikabubuti ko ito and I can say I’m feeling better everyday. Sadyang matakaw lang talaga ako kaya siguro nagreklamo na ang tyan ko. Oh well di bale ng matakaw kesa sa ginugutom ang sarili para sa mga walang kakwenta kwentang bagay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s