My Daily Wuht?! 011411

Nanaginip ako last night. Ang weird nga nya kasi iba ibang settings yung panaginip haha. Meron nasa amusement park ako, merong nsa mall, sa isang volleyball game at yung madalas kong napapanaginipan, sa beach. May mga kasama ako, pero hindi ko matandaan kung cno cno sila. Tapos kanina pagkagising ko, bigla ko na lang naisip to list down atleast 5 things na gusto kong gawin o maaccomplish simula this year na hindi related sa work. I came up with these:

1. Go Sky Venture-ing… – I always wanted to do this. Naeexcite akong ewan at gustong gusto ko siya talagang itry. Nacurious ako kung anong feeling ng tinatangay ng hangin to the point na lilipad ka na. That’s why I wanted to go to Genting (Malaysia) with my mom nun. Kaso unfortunately iniwan nya ko kasi birthday ng kapatid ko nun. Hayyss kaasar. Ang saya ko na sana haha.

2. Ride the Hot Air Balloon – I already saw one pero it was a long time ago, high school pa ata ako. Pero hindi pa ko nakakaexperience sumakay. And I wanted to try it.

3. Buy a gadget that I really need – what I meant when I say “I really need” eh yung talagang gamit ko sya before or after work, (maliban sa cellphone at laptop). Mahirap to kasi pag-iisipan ko talaga kung ano. Like ano ba yung madalas ko nang gagawin, so ano bang gadget ang kailangan ko na talagang masasabi kong gamit na gamit sa akin at the end of the year.

4. Go to see the Pyramids – ultimate dream ko talaga to!! To go to Egypt and see the Pyramids. Sobrang fascinated lang ako sa culture nila. If I were given the chance at hindi ganito kastressful ang profession ko baka naresearch, nabasa at kinareer ko na ang history at culture nila. haha

5. Go to the beach WITH someone and enjoy – madalas kong napapanaginipan to eh. Kaso palaging ndi ko nakikita kung sino yung kasama ko. Mahilig pa naman ako mag-beach. Kung papipiliin mo ko, to climb or go to the beach, mas pipiliin ko na ang beach. Gusto k o rin ang climbing pero I love the beach more. Basta this year, (God-willing) I can go to the beach with someone and really enjoy my stay there. Yung recent punta ko kasi sa beach eh disaster. haha. Kahit anong ganda ng place kung hindi ka naman nag enjoy eh wala ring kwenta. When I say WITH, yung tipong narerecognize yung presence mo at nag eenjoy KASAMA mo hindi yung cge kasama kita pero bahala ka kung mag eenjoy ka o hindi basta ako mag eenjoy with my friends. toinks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s