My Daily Wuht?! 051611

Busy day today… Bumalik na ang mga drawings na ginawa ko na may comment mula sa boss ko. Pero in fairness ha, ang konti lang ng comments at sabi nya ayaw na daw nya Makita ang mga drawings nay un dahil ang sakit daw sa mata Hahaha. Ikaw na ang magcheck ng isang katutak na drawings… Mas okay na ikaw ang gumawa kesa sa ikaw ang mag check. Pero still I have to make some changes and it’s not just one drawing… 7 sets of drawings sya actually. Hayyy…

Ang daming nagyaring kakaiba ngayong araw na to. Isa sa mga kasama ko sa opisina ang nagbigay sa akin ng hot chocolate. Nagtkaka lang ako dahil bigla nya akong tinanong kung anong gusto kong inumin, sasabihin ko sana isang frozen strawberry margarita. Hahaha kaso baka magulat sya na un ang hiningi ko. Hindi kami close nung taong yun, sabi na lang ng kuya ko, baka nagpapalakas sa’yo para maging close daw kayo. Hahaha ganon?! Kelangan may paglibre para maging close?! Isa siya dun sa kasama ko sa area na kaaway nung isa pa naming kasama. Hehe. Di ko alam kung totoo ba yung pakikitungo nya o parang “just to win some friends” ang drama. Anyways, hehe masarap talaga ang libre. At salamat na rin sa kanya dahil stress reliever ko din kasi ang hot choco. Hehe tamang tama ang pagbibigay nya.

Another weird thing na nangyari ngayong araw na to ay may bigla na lang nagsabi sa akin na “You have a beautiful smile, seriously you do”. “Do you know how to cook?”at ang pinakamatindi sa lahat: “You’re not married right?” TOINKS! Haha san ka pa… Sa gitna ng hot choco at 7 sets ng drawing may biglang gumaganon… Anong nakain ng mga tao ngayon at biglang ang weirdo ng treatment nila o ako lang ang nabigla? Hahaha Parang kanina lang na sinasabi nung ka cube ko yung tungkol sa horoscope nya sabay banggit nung sa akin na “There are unusual things that will happen to you.” Sabay may ganon?! Hay buhay! Pero it made my day… It’s been a while since someone told me I have a nice smile. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s