My Daily Wuht?! 051811

Lots of work today.. as in. Ngayon lang ako nakapagdetail ng ganito hehehe. Akala mo ang landscaping ay isang napakadaling bagay compared sa architectural mismo, pero mahirap din sya. Ang dami mong icoconsider tulad ng mga water features, exterior furnishings pati road network sa’yo hehe. Akala mo interior lang ang may mga arte sa buhay, pati sa landscape ganun din, exterior nga lang.  Ang sakit nya sa ulo lalo na pag magkakaiba ng levels. para ring sobrang pagod na pagod ako ngayong araw na ‘to. I don’t know kung marami lang talaga akong ginawang trabaho o stressed lang ako. (stressed?! What’s that? Haha) Sa bagay, walang trabahong hindi stressful, not unless wala kang ginawa kundi tumunganga at mag facebook during office hours. Wahaha. Iniisip ko na lang pag uwi ko makakatulog na ko ng mahimbing.

Pampawala din ng stress yung iniisip kong ang bilis ng oras, next thing you know eh nagfifile na ko ng leave para makauwi ng Pinas, makapag out of town at mag enjoy! Pinipilit ko na nga yung tita ko na sana eh sabay sabay talaga kaming makauwi para naman makumpleto kami. It’s been a while since I last saw my cousins from Australia. I missed them and my tita too. Besti ko yun eh, sya yung sumasama at nanonood nung  mga panahong tumatakas ako para maglaro sa inter-barangay sa amin dahil ayaw akong payagan ng tatay ko baka daw magkagulo at madamay daw ako. Minsan sa kanya din ako nagpapaalam noon pag makikipagdate ako ng hindi alam ng tatay ko. Hahaha. Exact opposite siya ng kakambal nya, na ubod ng strikta gaya ng tatay ko, kaya namimiss ko sya… wala ng nagtatakip sa akin pag tumatakas ako dati kaya palagi akong huli. Hahaha. I miss those days when I used to sneak out of the house just to see my “illegal ex boyfriend” and play volleyball. Pag sinabi ko na “Tita, punta lang ako sandaling mega, ikaw na bahala ah.” Ayos na un.. haha, saved na ko. Eh nung nakaalis na sila pag nagpaalam ako meron pang, “Sinong kasama mo, mamaya si ano na naman malilintikan ka sa akin.” Hahaha. Natatawa na lang ako kada naaalala ko yung mga bagay nay un… Major pasaway talaga ako eh, pero atleast hindi naman napariwara yung buhay ko kahit loko loko ako noon. Alam ko rin naman kasi ang priorities ko at ang limit ko (taliwas ng sabi ng sakin dati ng isang tao na “hindi mo alam yung limits mo eh”) I know my limits… Kaya ko nga narating kung nasan man ako, of course thanks to those who helped and supported me, dahil kung hindi napipicture ko yung sarili ko na nabuntis ng maaga, single parent at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Thank God hindi ako naging ganon, dahil nakakahiya naman sa nanay at tatay ko di ba. Kahit pasaway ako eh parang hindi ko ata kayang nakikita yung parents ko na nakatingin sa ibang tao tas sasabihin, “sana naging ganyan din yung anak ko.” Ang sakit kaya nun lalo na pag narinig mo pa… hindi mo rin kasi maiiwasan, shempre ang parents, they aim for the best. Gusto nila mga anak nila lahat successful, not for them to prove na magaling sila magpalaki ng anak, pero para na rin dun sa mga anak nila. They want their siblings to achieve whatever they want to achieve. Kung baga “Aim High”… I know my mom and dad are like that, or wishes the same for us four, sino bang magulang ng ayaw ng ganun di ba…  May linya pa nga ang nanay ko na, “Kung ano man ang hindi namin naibigay sa inyo, pag naging successful kayo and I know you will be, kayo na ang magpprovide nun para sa sarili nyo.” . Tama nga naman, hindi puro asa, puro hingi. Para sa akin kasi mas pinag-iingatan at pinahahalagahan ko pag pinaghirapan ko eh.

 Sa bagay, hindi naman ako maluho at kuntento na ko sa kung anong meron kami at sa kung ano ang ibinibigay ng parents ko dahil alam kong pinaghirapan nila yun. Kung meron pa kong gusting makuha o marating, na sa akin na yun kung pano ko siya maaachieve, di ba? 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s