My Daily Wuht?! 052211

Another tiring day. Halos wala akong pahinga dahil pumasok ako ng Saturday eh dapat off ko yun, tapos naglaba at plantsa naman ako ng Friday… Pero oks lang, nagulat ako pinatawag ako sa accounting kanina. Sobra daw ang oras ko sa buong buwan maliban pa sa ot every Saturday (if ever man) kaya may binigay na extra for my extra time. Haha ayos! Nakakatuwa lang kasi wala na ngang tax eh talagang bilang nila pag may sobra kang oras kahit hindi mo icharge as overtime. O dba… in short di sila magulang sa mga tao nila, which is very nice…

Uber dami na naman ng trabaho ko ngayong araw, yung kanong boss ko eh parang baligtad na kami ng ginagawa. Ako na ang gumagawa ng Base at pagkatapos ko eh sya na ang gagawa ng detalye eh dapat sya ang nag-aayos nun dahil sya ang boss ko at sya ang nakakareceive ng emails direct from the client at naka-cc lang ako. Sabi nga ng kuya ko at mga officemate ko, sabihin mo palit na kayo ng sweldo hahaha. Okay lang naman sa akin yun, atleast challenging yung ginagawa ko, at hindi rin naman sya yung tipong pag natapos na eh sa kanya lahat ng credits, ayun lang ang maganda sa kanya. Kung baga damay ka sa grasya nya hahaha. Hay, Lunes na naman tomorrow, sana mag Thursday na ulit para weekends na at ng makapagpahinga naman ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s