My Daily Wuht?! 110611

natawa ko nung nabasa ko to… somehow totoo sya, tinanong ko din to before eh, Bkit ang lalaki pwede tas pag tayo na ang gumagawa iba na ang tingin sa atin??? bakit nga ba?

Boys vs. Girls

Pambababae:

Ang lalaki daw, born polygamus. Sabi yan ng mommy ko sakin. Lahat daw ng lalaki, imposibleng sa isang babae lang titingin. Ibig sabihin, kahit na nasa isang relasyon na, pwede pa rin silang tumingin sa iba. The point is, tumingin lang. Alam mo yung kahit nasa isang relasyon na siya, may karapatan pa rin siyang magkacrush sa iba. Bakit?

Hindi naman kasi dapat sayo lang umikot ang mundo ng boyfriend mo. I mean, may karapatan pa rin naman siyang humanga sa iba. Yun nga lang, dapat alam niya ang limitasyon. Ok na yung, ay maganda siya. o kaya naman, ay ang galing niya, idol ko na siya. Iba kasi yung paghanga sa pagtataksil eh.

Karamihan sa lalaki raw, kapag nagkaasawa na, imposibleng matali na lang yan sa asawa niya. Hahanap at hahanap yan ng substitute. Well, oo hindi lahat, pero karamihan.

Panlalalaki:

Pag ang lalaki raw nambabae, parang normal na. Aasahan na raw ng asawa yan na sa pagsasama nila, mambababae at mabababae ang asawa niya. Pero bakit pag ang babae, nanlalaki, kulang na lang patayin na siya ng asawa niya?

Hindi ba unfair naman yata yun? Anlakas ng loob nilang mambabae, binibilang pa. Ilang beses ka na lolokohin mahal mo pa rin, pero ikaw? Isang beses mo lang siyang lokohin, kamumuhian ka na niya buong buhay niya.

UNFAIR. Kasi kung ang asawa mo ay nambabae, mapapatawad mo pa rin naman yan eh. NAture kasi ng babae na magmahal ng sobra. Pero pag ikaw ginawan mo siya ng ganun, kala mo napakalaking kasalanan at parusa ang dapat sayo.

Hays. Buhay. UNFAIR.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s