Aside

Chaperon ng Aking Buhay

I must say I am not embarrassed or I don’t hate my mom, but this story reminded me of how I was when I was still young. On how I wished that I’d grow old soon so that I wouldn’t hear my mom’s never ending lectures, the curfew hours and the nagging. But I realized after I graduated, had my own job, earn my own money, how hard it is being a grown up, and I am sure so much more when you’re a mother. If you’re a grown up and you’re single, you only worry about yourself, but when you’re a mother, you worry about yourself, your husband, your children, sometimes the old folks  and the other things such as the budgeting, the groceries and all that jazz… And most of all, they are also in charge of the comforting, the hugging, the being proud of you part, the support and all the feelings humanly possible. When I was a kid and I feel pain, my mom was there to comfort me and it was such an annoying thing for me at that time, I was such a spoiled brat. But now that I am a grown up, I miss the hugs and the comforting, maybe because she started treating me like a grown up like what I wished before, nevertheless, she is still always there when I needed someone to talk to, to give me a ring a ding when something is wrong.. I am glad she’s my mom, and I don’t think I would ever meet or even find someone as cool as her…

Si Inay- Na Laging Chaperon ng Aking Buhay


Noong ako ay highschool pa lamang, kinaiinisan ko sa lahat at ikinahihiya ang aking ina dahil wala siya sa ayos o hindi nag-aayos, walang matinong damit, at sobra niyang higpit at sobra kung makaasikaso, pagkatapos ng eskwela dapat deretso sa bahay, mag-aral nang mabuti–yan ang lagi nyang litanya sa bawat oras ng aking buhay noon.

Noong meron kaming programa sa paaralan ay chaperon si nanay. Minsan ay nahihiya ako sa aking mga ka-eskwela dahil ang suot ng aking ina ay pambahay, ‘di nakapagsuklay, bungi na ang ngipin, at ikinahihiya ko iyon.

Minsan pa ay natawag pansin ng aming guro si Ina sa isang sulok habang nakangiting pinagmamasdan ako sa entablado habang ako ay tumutula. Pagkatapos ng aking presentasyon ay ipinatawag ako ng guro namin upang dalhin sa loob at mapaupo nang maayos ang aking Ina, ngunit tumanggi ako, ayaw ko kasi malaman ng buong paaralan na siya ang nanay ko.

Nang matapos ang programa, sabay kaming umuwi ni nanay, ngunit ‘di ko siya kinikibo, bagkus ay galit akong nagsalita na “ano ba ‘nay, malaki na ako, ‘di mo na kailangang sundan ako, tignan mo hitsura mo, para kang aswang, nakakahiya”.

Ngunit iba ang narinig kong sagot mula sa kanya “ Alam mo, nak, ang galing-galing mo kanina, proud na proud ako sa iyo, sasabihin ko sa tatay mo na magkakatay tayo ng manok kahit yung tandang niya at maghahanda tayo”. Lalo ako nainis sa tinuran niyang iyon.

Gustong-gusto ko ang tatay ko, hindi mahigpit, sasabihin kong pupunta ako sa ganito at ganyan, ay ok lang sa kanya, bibigyan pa ako ng pera. Ngunit si nanay ay iba, aawayin niya ang tatay ko kapag pinayagan akong sumama sa barkada.  Isang araw noon hindi ko malilimutan, tumakas ako sa bahay namin ng dis-oras ng gabi upang pumunta sa isang sayawan, nagtagumpay ako. Ngunit sa kalagitnaan ng sayawan, ay nakita ko si nanay, kinakawayan ako, kinaladkad pauwi habang nglilitanya na naman .

‘Gusto mo bang mapagtripan ka ng mga adik nating kapitbahay? Gusto mo bang hindi makapagtapos ng pag-aaral at maggagapas na lang ng palay tulad ng ate mo na maagang nabuntis?  Paano kung tambangan ka sa daan pag-uwi mo?Anong oras na?  May pasok ka pa bukas.”

Tinulak ko ang nanay, nagmura ako, At sabay sabing ‘sana mamatay ka na ngayon nang maging malaya ako! Buti pa si tatay, mahal ako!

‘Hayaan mo, darating ang araw na magiging malaya ka mula sa akin, kapag dumating ang panahong iyon malalaman mo kung bakit kita pinagbabawalan,” patuloy ni nanay.

Sa araw-araw ng aming buhay noon ay lagi kong pinararamdam sa nanay ko na galit ako sa kanya, hindi ko siya gaano kinikibo, yung tipong wapakels ako sa kanya.  Pero kahit ganoon ang pinapakita ko sa kanya ay mas lalo niya akong inaalagaan, pinagtitimpla ng gatas, kahit buhok ko ay siya ang nagsusuklay.  Wala na nga akong ginawa sa bahay kundi maupo at manood ng TV; siya lahat gumagawa ng gawaing bahay.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi ko pa rin matanggap ang nanay ko at lagi ko pa rin siyang ikinahihiya.  Minsan, nang magsimba kaming buong pamilya, nakita ko ang crush ko, lumayo ako sa nanay ko at pasimpleng lumihis ng daan, pero hinabol ako ni nanay ay hinawakan ang braso ko sabay himas ng aking pawisang ilong. Noon ay inis na inis ako sa kanya, at ‘di ko napigilan ang mga salitang namutawi sa labi ko;  “Nay, ikinahihiya kita, alam mo ba? Ayokong kasama kita.  Sinusumpa kita.”

Nakita ko si nanay na humihikbi at imbes na pumasok sa simbahan ay pinili niyang umuwi na lamang ng bahay at hinayaan ako kung saan ako pumunta.

Lumayas ako ng bahay, dala ang lahat ng gamit ko, tumira ako sa isang kaibigan. Kinabukasan ay dila lang ang walang latay sa akin nang sunduin nila ako, kinalbo ang buhok ko, ginapos nang patiwarik ng tatay at sampal ang inabot ko.  Ang dating tatay na mas pinili ko ay siyang nanakit at ngayon ay gusto yata akong patayin. Walang humpay ang iyak ni nanay sa nakikitang kalagayan ko, pinakiusapan niya ang tatay na pakawalan na ako at hindi tama ang parusa na iginawad niya sa akin.

Pero matigas ang tatay ko, pinagpapalo niya ako ng sinturon, sa bawat palo niya ay humaharang ang kawawa kong nanay at siya ang umangkin sa malulupit na tama ng sinturon. Hindi ko naramdaman ang sakit ng palo, nakita ko na lang ang nalapnos na balat ng nanay ko mula sa hampas ng sinturon.

Doon ko lang napagtanto kung gaano ako kamahal ni nanay na handa siyang hamakin at suungin ang lahat, huwag lamang akong masaktan. Ngunit matapos ang eksenang iyon ay hindi pa rin ako nagbago ng pakikitungo sa nanay ko, kinikibo ko na siya pero malamig pa rin.

Hanggang sa magkolehiyo na ako, doon ko nasabing naging malaya ako kay nanay, lahat ng gusto ko ay nagagawa ko dahil sa may kalayuan ang unibersidad na aking pinapasukan at kinakailangan ko magboarding house. Natuto akong magbisyo, lahat as in lahat. Masaya ako noong una, hanggang sa dumating sa punto na nagdadalang-tao ako, at tinakbuhan.

Nakikita ko ang sarili ko bumabalik sa kandungan ng aking nanay. Umiiyak kapwa kami, imbis na sisihin ako at litanyahan ay niyakap niya ako at masuyong hinahamplos ang aking mukha.

‘Anak kita, mahal kita, gaano man kasama ang iyong nagawa ay pinapatawad kita, ikaw ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa buhay ko, ayokong masaktan o mahihirapan ka, dahil karugtong ka ng buhay ko’.

Noon ko lamang lubusang naunawaan kung bakit sobra niya akong alagaan, dahil anak niya ako, kadugtong ako ng buhay niya, dahil ayaw niya akong nakikitang naghihirap. Noon, kinahihiya ko siya dahil wala siya sa ayos at walang magarang damit, ang hindi ko alam mas inuuna niya akong bilhan ng kung ano ang gusto ko kesa sa bumili ng para sa sarili niya.

Mas importante ang gusto ko kesa sa kung para sa sarili niya. Ngayong isa na rin akong ganap na Ina ay alam ko na ang pakiramdam, alam ko ang nararamdaman ni nanay noong ikinahihiya ko siya, noong mga panahong hindi ko siya kinikibo. Ayaw kong gawin sa akin iyon ng anak ko, batid ko ang pagmamahal ng isang ina sa anak na ‘di kayang tumbasan. Pag-ibig na wagas.

Ang isang Ina ay handang magparaya at umunawa sa kanyang anak gaano man kasama ito, kahit gaano man kalalim ang sugat na idinulot nito sa kanyang puso ay hinihilom nito ng kanyang pagmamahal. Ngayon ay matanda na si nanay, kulubot na ang mukha, wala ng ngipin, pero mahal na mahal ko siya.
 

Nagsisisi ako nang buong puso ko kung bakit ko nagawa sa kanya iyon noon sa kabila ng kanyang ipinakitang lubos na pagmamahal sa akin. Hindi ko na siya ikinahihiya; bagkus ay proud ako na siya ang nanay ko, tinanggap ako ng buong-buo.

Sa tuwing minamasdan ko ang aking ina, naalala ko yung mga panahong inaalagaan niya ako, ngayon ay tumatanda na siya at puti na halos ang buhok, natatakot akong mawala siya sa akin, hindi pa ako handang tuluyang lumaya mula kay nanay. Lagi akong pabulong na nakikiusap sa kanya ” Nay, mahal na mahal kita, huwag mo muna akong iiwan ha.”

 Ngayon, hindi pa huli ang lahat para ipagmalaki ko siya, ngayon ay kasa-kasama ko siya sa mga lakad ko, pinasasaya ko siya habang marunong pa siyang tumawa.

Kudos to all mothers out there.

author:  aimeeindubai

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s