Letting Go.. Giving Up..

“So this is how you feel when you give up the one you truly love…”

Giving up. Letting go. Ano ang pinagkaiba ng dalawa? Ano ang mas mahirap? Pagsuko o Pagbitiw? Parang pareho lang naman di ba? Kaya lang ilagay natin sa isang sitwasyon. Paano kung isinuko ka? bibitiwan mo na ba? Pano kung binitiwan ka na? Susuko ka na rin ba?

random,freedom,hellogoodbye,with,the,birds,i,share,this,lone,birds,fly-7b9994a29cd90dcd3ae8ca3d80d77da4_h_large

Mahirap malagay sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung asan ka na, kung saan ka lulugar, kung paano ka kikilos at kung ano ang dapat mong maramdaman. Mahirap umasa sa isang relasyong alam mo na wala ka nang mahihintay at alam mo na wala nang patutunguhan pero kahit alam mo na lahat ng iyon at alam mo na kung ano ang dapat mong gawin, still, hindi mo pa rin ginagawa.

Giving_up_by_josepaolo

Pinipilit mong huwag isipin, pamanhirin ‘yung utak mo para kahit papaano mabawasan yung sakit. Para kahit kaunti ay maging masaya ka sa kung ano na lang ‘yung natira sa ‘yo, kahit halos lahat ay kinuha na niya…  — O mas tamang sabihin, halos lahat ay mo na sa kanya.

Sa una talaga ay masaya magkaroon ng karelasyon kasi alam mong may masasandalan ka sa mga oras na kailangan mo ng karamay, alam mong may halaga ka kasi kaya mong magpasaya ng ibang tao.

Ang sarap sa pakiramdam kasi habang tinitingnan mo ‘yung tao na yun masasabi mo,” –ah, itong tao na ‘to mahal ako, ang sarap isipin na may nagmamahal sa akin, na ako lang ‘to pero mahal niya ko”. Ginawa mo siyang sentro na buhay mo. Pinlano mo na yung natitirang mga taon, buwan, araw at pati minuto ng buhay mo na kasama siya. Panatag ka na walang magbabago kasi wala ka namang nakikitang mali, wala naman siyang inirereklamo, wala ka namang nakikitang kakaiba o kung meron man, hindi mo binigyang pansin kasi akala mo natural lang iyon sa isang relasyon, natural naman na magkaroon ng mga problema.

giving-up

Pero masakit isipin na bigla na lang mag-iiba yung takbo ng buhay mo kasi may mawawala sa ‘yo. Na yung akala mong ok lang eh hindi pala, yung akala mong natural lang, naipon na at naging hindi pangkaraniwan.

Magtatanong ka sa sarili mo, BAKIT? Anong nangyari? Saan ka nagkamali? Saan ka nagkulang o sumobra? Anong mga bagay yung hindi o dapat mong ginawa?

Ang dami-dami mong tanong, kaya lang nakakaawa ka kasi hindi mo alam yung sagot, ‘yung isang taong may hawak ng susi sa mga tanong mo iniwan ka na. At ngayon kung ituring ka parang wala kang nagawa para sakanya, na parang hindi siya naging masaya noong mga panahong kayo pa, na ikaw pa yung kasama niya.

Unfair ba? Eh anong magagawa mo kung habang ipinaglalaban mo siya, isinuko ka na niya? At anong kaibahan ang magagawa mo kung kahit isinuko ka na niya, ipinaglalaban mo pa rin siya? Naisip mo ba na dapat ka nang bumitiw?

Ngunit kailan ka nga ba dapat bumitiw? Kailan mo nga ba dapat sabihin na tama na? Kapag isinuko ka ba ng taong mahal mo dapat ba isuko mo na din siya? Maninindigan ka ba sa bagay na nasabi at nagawa mo na? Wala na bang bawian kahit alam mo na nagkamali ka? Parang referee lang ba na kung ano yung unang itinawag yun na yun kahit mali? Maitatama mo ba ng isa pang mali ang kamaliang nagawa mo na? Paano na kung may iba nang nagpapasaya sa kaniya, at pinagbubuhusan ng atensyon, may laban ka pa ba?

Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon, kasi kahit ako, iyon din ang tanong ko sa sarili ko.

“Is it all worth fighting for?” Should I let go and give up?” May pag-asa pa ba? Maghihintay pa ba ko?

Hindi na siguro.. Pero ang pagsuko at pagbitiw ko ay hindi tanda ng karuwagan, para sa akin ito ay pagkakaroon ng lakas at tapang na talikuran ang mga bagay na nagpapahirap sa buhay ko. Ngayon masasabi ko, maninindigan ako ngunit hindi sa mali, kundi sa kung ano ang tama at sa kung ano yung alam kong makakabuti para sa sarili ko at para sa taong mahal ko. Susuko at bibitiw ako para bigyang daan yung isang taong dadating para patunayan sa akin na hindi ako nagkamali sa naging mga desisyon ko sa ngayon… and then pagkatapos ng lahat ng ito I’ll say,

“So this is how you feel when you gave up the one you ONCE truly love..”

 

by

(http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/04/letting-go-giving-up/)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s