Hugot sa Pelikula…

Yung eksenang nanonood ako ng movie habang naghihintay matapos yung rendering na ginawa ko. (Oo nasa trabaho ako, at naiinip ako kakahintay. Haha) Sabay biglang nagsalita yung isang character ng:

“Hangga’t di pa happy, hindi pa ending..”

Napraning na naman ako, kaya nagsulat ako ng kung ano ano (na naman).

Pano mo nga ba malalamang may Happy Ending ka o kung yun na ba ang Happy Ending mo? Parang ilang daang beses ko na tinanong to: sa iba at sa sarili ko.

May nagsabi na wala naman talagang “Happy Ending”. Ang pait siguro ng mga naranasan nya kaya nya nasabi yun. Pero ano nga ba talaga yung tinuturing nating “Happy Ending”? Yung may jowa ka kahit away bati kayo e d nyo sinusukuan ang isa’t isa at hanggang ngayon kayo pa din. Yung may asawa ka na kahit minsan ka na nyang niloko e pinili mo pa din na pagkatiwalaan sya dahil mahal mo at naniniwala kang magbabago sya. Minsan naisip ko, hindi ba pwedeng maging “Happy Ending” yung masaya ka kasama mo yung pamilya mo? Yung kahit mag isa ka, kuntento ka na sa kung anong meron ka. Yung naiiyak ka na sa kakatawa sa kwentuhan kasama ang mga kaibigan mo. Ano nga kaya? Di ba pwedeng araw araw may “Happy Ending”? Yung bago ka humiga at matulog, babalikan mo yung mga nangyari ngayong araw at sasabihin mo, “Ang saya ng naging araw ko ngayon. Sana bukas ulit.”

Ano nga kaya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s